Philippines: Fortune Tobacco-Lucio Tan ‘wag pagkatiwalaan sa Boracay cleanup drive

29 October 2018:
By Tina Medoza
Source: Abante

SUPORTADO ng isang tobacco advocacy group ang smoking ban sa beachfront at mga pampublikong lugar sa Boracay.

Gayunman ay binalaan ni Health Justice Philippines President Mary Ann Mendoza si Environment Secretary Roy Cimatu na maging maingat sa pakikipag-partner sa Fortune Tobacco na pag-aari ng bilyonaryong si Lucio Tan sa cleanup drive sa Boracay.

Ang babala ay ginawa ng grupo dahil noong 2009 umano, ang Philip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC) ay nakipag-partner sa DENR sa ‘butt disposal campaign’ na ang resulta sa bandang huli ay na-promote pa din ang paninigarilyo.

“This Corporate Social Responsibility activity is the way of the tobacco industry to gain favorable public image, to mask the fact that it is peddling a deadly product,” paliwanag ni Mendoza.

Suportado din ng Millennials Philippines (MPH), isang youth advocacy group, ang smoking ban sa isla.

Para kay Dr. Rene Ofreneo ng Climate Change Congress of the Philippines, tama lamang na ipagbawal ang paninigarilyo dahil nakakadagdag pa ito sa kalat.

SEATCA In Touch

Sign up to receive our monthly newsletter for the latest news and updates on our work in the ASEAN region and beyond.